Chapter 9 – Rizal's Grand Tour of Europe with Viola (Tagalog Version)

Rizal’s Grand Tour of Europe with Viola Narrator: Bago pang ipalabas ang Noli sa masa, binalak ni Rizal na puntahan at bisitahin ang iba’t-ibang lugar ng EuroRizal’s Grand Tour of Europe with Viola Narrator: Bago pang ipalabas ang Noli sa masa, binalak ni Rizal na puntahan at bisitahin ang iba’t-ibang lugar ng Europa. Kasama niya si Dr. Maximo Viola sa kanyang paglalakbay. Tinanggap ni Rizal ang perang halagang isang libo na ingreso ni Paciano at pinadala kay Juan Luna, galing sa Paris. Kaagad niyang binayaran si Viola ng tatlong daang piso para sa pagpapa-imprenta ng Noli. Pagkatapos niyang mabayaran ang kanyang mga utang, nakita niyang may sapat pa siyang puhunan sa kanyang pitaka, samantalang inihahanda na niya ang lahat para sa kanyang paglalakbay sa Europa bago man lang siya bumalik sa Calamba. Una nilang pinuntahan ay ang Potsdam, ang siyudad na malapit sa Berlin, kung naging tanyag si Frederick the Great The Tour Begins Narrator: Madaling araw ng Mayo 11, 1887 si Rizal at si Viola, parehong kayumangging doktor ay masayang-masaya sa kanilang unang paglalakbay na lulan ng isang tren; habang papalayo sa Berlin. Ang panahon ay kaaya-aya para sa pagbibiyahe. Ang bugso ng hangin sa kapaligiran ng buong Europa. At ang mga bulaklak ay mamumukadkad, ang mga damuhan ay naghihintian, at ang simoy sa kaanyuan ay buong husay na humuhuni at gumagalaw. Ayon kay Viola, ang laman ng dala-dalahan ni Rizal ay puro halos mga sulat na pinadala galing sa kanyang pamilaya at mga kaibigan. Tutunguhin nila ang Dresden na isa sa pinakamagandang siyudad sa Germany Dresden Narrator: Ang pagpunta nila sa Dresden ay nataon sa panlalawigang panrelihiyong pagdadaluhan o paglalahok ng mga bulaklak. Kahanga-hanga ang iba’t-ibang uri ng mga halaman kaya naman si Rizal ay pinagmamasdan at pinag-aralang mabuti ang bawat halaman. Pinuntahan nila si Doktor Adolph B. Meyer na siyanpa ang mas galak na galak sa kanilang pagdating. Sa Museo ng Sining kung saan sila pumunta, ay nakita nila ang kahanga-hangang pinta na “Prometheus Bound” samantalang mailalarawan sa isipan ang kapareho ng kanyang nakita sa Sining Galerya sa Paris Samantala sa kanilang pamamasyal sa iksibisyong nabanggit, ay nakita nila si Doktor Jago. Nabanggit nila kay Doktor Jago ang gagawing pagpunta sa Leitmeritz para bisitahin si Blumentritt sa kauna-unahang pagkakataon Doktor Jago: Bago kayo tumuloy, tumawag muna kayo kay Professor Blumentritt, sapagkat ang matandang propesor ay may sakit sa nerbiyos at baka himatayin pa siya sa biglaan niyong pagdating Narrator: Sa Techen ang susunod nilang pinuntahan galing sa Dresden. Alinsunod sa sinabi ni Doktor Jago, tumawag muna sila kay Blumentritt First Meeting with Blumentritt Narrator: Mayo 13, 1887 ala una’y medya ng hapon ng dumating ang tren sa estasyon ng Leitmeritz, Bohemia. Pagkatapos matanggap ang tawag nila, naroon ang naghihintay na si Professor Blumentritt sa estasyon. May dala-dala siyang lapis at isang maikli at masaklaw na sulat ni Rizal para siya ay makilala. Malugod niyang tinanggap sina Rizal at Viola Sa unang pagkakataon, ang dalawang dakilang eskolar – sina Rizal at Blumentritt na nagkakilala lamang sa pamamagitan ng panulat ay nagkita at nagkasama rin sila sa personal. Nagpalitan silang pagbati sa salitang German Professor Blumentritt: Guten tag, Rizal? (Magandang araw sayo, Rizal?) Rizal: Guten tag zu fruh, Professor Blumentritt! (Magandang araw din sayo Professor Blumentritt!) Professor Blumentritt: Wi e gent es dir, dank getrof fen und a uch personlich tayosa (Kamusta ka na, salamat at nagkatagpo rin tayo sa personal) Rizal: Is chau feln hi er ber mir, Doktor Maximo Viola. (Eto pala ang kasama ko, si Doktor Maximo Viola) Viola: Ich fre u e mich, si e ken nen zu lernen, Professor Blumentritt (Ikinagagalak kong makilala ka Professor Blumentritt) Professor Blumentritt: Ich habe a uch Doktor Viola! (Ako rin Doktor Viola!) Narrator: Si Blumentritt ay isang mapagkumbaba at dating Austriyanong propesor. Sa sandaling pagkikita nila nagkapalagayan loob kaagad ang dalawa at itinuring niya si Rizal na isang anak Tinulungan ni Professor Blumentritt sila Rizal at Viola sa pagpili ng matutuluyan sa Hotel Krebs at pagkatapos ay tumuloy sila sa bahay ni Professor Blumentritt para ipakilala sa kanyang maybahay at mga anak. Ang dalawang Pilipinong turista ay masaya sa pagtanggap sa kanila ni Professor Blumentritt. Limang araw silang namalagi sa Leitmeritz mula Mayo 13 hanggang Mayo 17, 1887 Beutiful Memories of Leitmeritz Narrator: Masasabing ang pagpunta ni Rizal sa Leitmeritz ay isang magandang gunitain. Ikinalulugod niya ang masayang pagtanggap ng buong pamilya Blumentritt. Si Rosa, ang butihing maybahay ng propesor ay magaling sa pagluluto, nagluto siya ng mga pagkaing Austriyano na siyang ikinagusto ni Rizal. At ang mga anak ay sina Dolores (Dorita kung tawagin ni Rizal), Conrad at Fritz Pinatunayanb ni Professor Blumentritt na siya ay magaling sa pagpapatnubay at tagagabay sa mga bisitang turista. Dinala niya silang dalawa at ipinasyal sa iba’t-ibang magaganda at makasaysayang lugar ng Leitmeritz. Hanggang isang hapon ay inimbitahan ni Professor Blumentritt sina Rizal at Viola sa isang inuman, kung saan nandun ang pinakamasarap na beer sa Bohemia. Sa di kalayuan ng kanilang mesa ay mayroon silang naririnig na nag-uusap na mga manginginom, ang kanilang talakayan ay tungkol sa ginagawang perokaril o riles sa karatig-bayan. Isa doon sa mga nag-uusap usap ay ang burgomesta o ang alkalde ng nasabing bayan. Kilala ni Professor Blumentritt ang Alkalde kaya kinausap niya ito at ipinakilala niya ang kanyang mga Pilipinong kaibigan Professor Blumentritt: Meyor, pinapakilala ko pala sa inyo, sina Jose Rizal at Doktor Maximo Viola, mga kaibigan ko po Burgomesta: Ah kaw pala si Jose Rizal, isa ka bang Pilipino? Rizal: Si e haben rech, ich Jose Protacio Rizal Mercado Alonso y Realonda mit Pilipino blut, dass in di e perle des ostens komen, Philippinen, und ich o us ey ner familie kam Ilustrado, und studi erte im a us land, ey ne fremd ispu a che a is ges pro chem ko jetz studieren. (Tama ka, ako si Jose Protacio Rizal Mercado Alonso y Realonda na may dugong Pilipino, nanggaling sa perlas ng silanganan, Pilipinas, at nagmula ako sa isang pamilya na Ilustrado, at nag-aral sa ibang bansa upang mag-aral ng mga wilkang banyaga na katulad ngt winiwika ko ngayon.) Narrator: At laking pagkamangha ng alkalde ng magsalita ng German si Rizal Burgomesta: Gaano katagal mo pinag-aral ang salitang German? Rizal: Mga labing-isang buwan, Ginoo Narrator: Lalong humahanga ang alkalde sa angking talino ni Rizal.At napayakap sa tuwa si Professor Blumentritt kay Rizal Professor Blumentritt: Kakaunting German lamang ang nakakapagsalita ng katulad ng sa iyo, kahit sabihing pang ang German ay katutubong salita nila Narrator: Naimbitahan sila Rizal at Viola sa isang pagtitipon ng mga samahang turista sa Leitmeritz isang hapon, kung saan si Professor Blumentritt ay tinaguriang kalihim ng samahan. Naatasan si Rizal para magsalita sa harap ng madla, at inihayag niya ang kanyang paghanga sa mga ginawa ng Austriyano lalo na ang magandang pakikisama at pakikitungo ng mga taong bayan, samantalang ang mga tagapakinig ay pumapalakpak sa kakalalasan at mabisang pananalita ni Rizal ng salitang German Rizal: Ich dan ke ih nen fur den, emp fang uns hi er in Leitmeritz. (Maraming salamat sa pagtanggap niyo sa amin dito sa Leitmeritz, at pagpalain kayo ng Poong Maykapal.) Narrator: Malugod niyang pinagtuunan ang oras ang paggawa at pagpinta ng malaking larawan ni Professor Blumentritt at magsilbing alaala niya sa mabait na propesor. At tinanggap naman ni Professor Blumentritt ng maluwalhati Sa kanyang pagdalo sa iba’t ibang lugar ng Leitmeritz ay nakilala niya si Doktor Carlos Czepelak, ay isang taong-agham ng Europa. Dinala ni Professor Blumentritt si Rizal sa bahay ni Doktor Carlos Czepelak sa iskolar ng Polano (Polish scholar). Ipinakilala ni Professor Blumentritt si Rizal kay Professor Robert Klutschak, isang tanyag na naturalista Sa kanilang huling gabi sa Leitmeritz, bilang kapalit sa kabutihang ginawa ni Professor Blumentritt sa kanila ay ipinasya nilang bigyan ng kasiyahan o ng huling hapunan si Professor Blumentritt sa hotel na tinutulayan ng dalawang Pilipinong turista, dahil sa pagiging mabuting tao Mayo 16, alas 9:45 ng umaga, nilisan nila Rizal at Viola ang Leitmeritz sumakay sila ng tren. Si Professor Blumentritt, kasama ang asawa niya at mga anak ay nalulungkot sa paglisang yaon ng dalawa Habang sila ay papalayo, baon ni Rizal ang mga masasayang alaala sa tahanang o bayang iyon ni Professor Blumentritt. Sa sulat na ipinadala niya kay Professor Blumentritt na isinulat niya sa Vienna noong Mayo 24, 1887, ipinahahayag niya sa pamilya ang kanyang pag-aalala kay Dora dahil ito ay may sakit Rizal: ikinalulungkot namin ang pagkakasakit ng aming munting kaibigan na si Dora. Naaalala namin ang kanyang maliit at kulay na asul na mga mata. Naririnig namin ang kanyang nakatutuwang halakhak ang nakiki-kinita namin ang kanyang mga maliit na ngipin. Kawawang Dorita! Aking na-alaala ang paghahabol niya sa amin sa tren habang kami ay papalayo. mula sa kaibuturan ng aking puso, ipinanalangin ko ang kanyang madaling paggaling Sa isang sulat niya para kay Professor Blumentritt sa Brunn, Austria noong Mayo 19, 1887 pangalawang araw mula nang sila ay umalis sa Leitmeritz, nagsasaad Rizal: gagawin kong bahagi nang aking isipan ang mga kaibigan ko sa Leitmeritz at sasabihin ko sa sarili ko: hindi ka nag-iisa, Rizal, sa isang dako ng Bohemya, ay mayroon mga mabubuti, mababait, at pala kaibigan mga kaluluwang mababait sa iyo; isipin mong lagi mo silang kasama, at nakikita ka nilang nagagalak sila sa iyong kasiyahan, at nalulungkot sa iyong kasakitan. Ibalik mo lang ang alaala sa iyong mga anak, ipaabot mo ang aking pangungumusta sa iyong may bahay. At sa iyong mga magulang at mga kaibigan sa Leitmeritz. Gusto kong tumira sa Leitmeritz, katulad mo ako may sariling sentemiyentong pilipino. Nananatili ang Austriano sa aking puso Narrator: sa sulat niya, sinabi ni Rizal kay Professor Blumentritt na naiwan niya ang diyamanteng tinuhog sa aspile sa kwarto ng hotel krebs PRAGUE narrator: pagkatapos sa Leitmeritz, binisita nila ang makasaysayang siyudad ng Prague. nakilala nila si Dr. Willkomm, isang Propessor sa natural na kasaysayang saUniversity of Prague sa pamamagitan ng sulat ni Professor Blumentritt, katulad ni Professor Blumentritt si Dr. Willkomm at ang kanyang asawa’t mga anak ay malugod din nilang tinanggap at pinasyal sila sa iba’t-ibang makasaysayang lugar dinalaw nila Rizal at Viola ang libingan ni Copernicus isang bantog na astronomiko, ang museyo ng natural na kasaysayan, mga laboratoryo ng bactereoliya, ang bantog na kuweba kung saan nasan roon ang bantog na nakakakulong na si San Juan Nepomuceno, na isang katolikong santo, at ang tulay na pinaghagisan kay San Juan sa ilog Pagkatapos nilang manatili sa pamilya ni Professor Willkomm sila ay tumuloy sa Brunn Viola: walang masyadong magandang alaala sa siyudad na ito VIENNA narrator: Noong Mayo 20, Sina Rizal at Viola ay nakarating sa magandang luggar sa Vienna, na kabisera ng Austria,Hungary, Si Rizal ay humaga sa kagandahan ng lugar na ito dahil sa mga magagandang gusali, mga panrelihiyong larawan, mga paboritong pook ng basehan at sa pang-akit na mahestiwarso. Ang Viena ay tinaguring “Reyna ng Danube.” Si Rizal at si Viola ay nagkaroon ng lakas ng loob dahil sa isang sulat ng rekomendasyon na dala dala galing kay Blumentritt upang makipagkita kay Norfenfals, na isang matatag na nobelista sa Europa noong panahong iyon. Pinahanga niya ang isa sa mga matatag na nobelista sa Austria at nang nakalipas ang ilang panahon ay nakipag-usap ito sa kanya. at sinabi niya kay Rizal Norfenfals: sobrang humanga ako sa sobrang talino mo, Rizal! narrator: naibalik kay Rizal sa Vienna ang kanyang nawawalang diyamanteng tinuhog sa aspile. Isang katulong ng Hotel Krebs ang nakakita nito at ito ay ibinigay kay Professor Blumentritt at siya naman ang nag-abot nito kay Rizal sina Rizal at viola ay nakatigil ngayon sa Hotel Metropole. Sila ay namasyal sa magagandang lugar na kinabibilangan ng siyudad na ito gaya ng simbahan, Museo, galeriya ng sining, mga sinehan at liwasang pampulitiko. Sila ay pinakilala sa dalawang kaibigan ni Professor Blumentritt, na sina Masner at Nordman, mga mag-aaral ng Austriya Danubian Voyage to Lintz narrator: noong Mayo 24, nililisan nina Rizal at Viola ang Vienna, sumakay sila ng bangka para makita nila ang kabuuang tanawin ng Danube River. marami siyang nakita sa paligid ng Danube River Rizal: Ang ganda naman ng mga bulaklak at halaman Rizal: Ang gara naman ng mga kabahayan dito narrator: napansin din ni Rizal ang mga pasahero na gumagamit ng paper napkin sa pagkain na nakalagay sa mesa na ngayon niya lang nakita viola: ang mga paper napkin ay mas malinis gamitin at mas nakakatipid sa pera kaysa sa mga panyo narrator: pagkadaong nila ng bangka sa Lintz, ay bumiyahe sila sa Salzburg. At dumaan lang sila sa Munich para matikman ang pinakasikat na Munich beer, sa Germany rizal at viola: Prost!! (Cheers!!) narrator: pagkatapos ay tumuloy naman sila sa ULM, ang katedral na ito ay ito ang pinakamalaki at pinakamataas sa buong Germany at nag-umpisa na silang pumanaog sa daang-daang hakbang ng mahabang hagdan ng ULM Rizal: (hinihingal) magpahinga muna kaya tayo, medyo nahihilo na ko viola: konting tiis na lang, malapit na tayo sa tuktok narrator: at narating nila ang tuktok ng katedral ng ULM Rizal at Viola: gut ge mach (good job) nagawa natin!! narrator: mula sa ULM, sila ay nagtungo papuntang Stuttgart, Baden at Rheinfall. Nakita nila ang talon sa Rheinfall at itinuring itong pinakamagandang talon sa buong Europa Crossing the Frontier to Switzerland narrator: tinahak nila ang Frontier papuntang Schaffhausen, Switzerland pagkagaling sa Rheinfall, sila ay nanatili sa siyudad mula Hunyo 2 hanggang Hunyo 3, 1887. Pagkatapos ay pinagpatuloy nila ang kanilang paglalakbay patungong Brazil, Bern at Laussane Geneva narrator: pagkatapos nilang makita ang Laussane, sila ay umalis at tinungo ang Leman lake hanggang Geneva. Ang siyudad ng Swiss ay ang isa sa pinakamaganda sa Europa, na dinadagsa ng maraming turista taun-taon. Ang mga taong Geneva ay masasabing lingguwista o dalubwika dahil sa marunong sila ng iba’t ibang salita katulad ng salitang pransiya: Rizal: bon ne jo ur ni a vo us (magandang araw sayo) narrator: salitang Aleman Rizal: guten tag (magandang araw sayo) narrator: at salitang Italya Rizal: Bu o na gi or na ta a vo i (magandang araw sayo) narrator: si rizal ay nakikipag-usap sa kanila na ginagamit ang tatlong lingguwaheng nabanggit pagkatapos nilang mamasyal, sina Rizal at Viola ay pumunta sa isang lawa upang sila ay mamangka Rizal:ipapakita ko sayo kung gaano ako kagaling mamangka ng bangka viola: ah, paano ka ba natuto? Rizal: Noong bata pa kasi ako, mahilig na talaga akong mamangka, sa bayan namin sa Binan, Calamba narrator: noong Hunyo 19, 1887, sinorpresa ni Viola si Rizal dahil sa ika 26 na kaarawan nito. Katulad ng nakagisnan nating mga Pilipino, nagdiwang si Rizal ng kanyang kaarawan na masagana at maraming handa viola: maligayang kaarawan sayo, pepe! Rizal: salamat, kaibigan! narrator: sina Rizal at Viola ay nanatili pa sa Geneva ng 15 kalugud-lugod pang araw. Hanggang noong Hunyo 23, naghiwalay na sila ng landas, si Viola ay bumalik sa Barcelona habang si Rizal ay pinagpatuloy niya ang kanyang paglalakbay sa Italya habang sina Rizal at viola ay masayang nagbibiyahe sa Europa, ay kasabay nito ang “Exposition of the Philippines” na naganap sa Madrid, Espanya. Habang sila ay nasa Geneva, Switzerland. Nakatanggap siya ng masamang balita mula sa mga kaibigan niya sa Madrid. Nakakalunos at nakakahindik balahibo ang mga nangyari sa mga sinaunang Igorot na papatayin sa “exposition” na iyon. Ang iba sa kanila ay ay namatay, yung iba ay warak-warak na ang damit nila at yung iba ay ginawa silang katatawanan ng mga tao sa Espanya na labis na ikinalungkot at ikinabahala ni Rizal Rizal in Italy narrator: mula sa Geneva, siya ay tumungo ng Italya ng mag-isa. Pinuntahan niya ang mga ilang lugar sa Italya, ang Turin, ang Milan , ang Venice at ang Florence. Noong hunyo 27, 1887, tinungo niya naman ang Rome na tinaguriang “Lugar ng mga Caesars” napukaw ang damdamin ni Rizal sa dahil sa mga tanawin at magandang ala-ala ng “Eternal City”, isinalaysay niya kay Professor Blumentritt sa pamamagitan ng liham na ipinadala niya noong Hunyo 27, 1887 ang “Kadakilaan ng Roma” noong hunyo 29, araw ng kapistahan nina San Pedro at San Pablo, kauna-unahan niyang pinuntahan ang Vatican, ang lugar ng mga Papa at ang kabisera ng Kakristiyanuhan. Siya ay humanga sa mga magagarang gusali, lalong – lao na sa simbahan na St. Peter Basilica, mga bibihirang gawa sa sining, malawak sa kuwadrado ni San Pedro, iba’t ibang kulay ng Papal Guards, at ang himpapawid na debosyon ng relihiyon na siyang laganap sa Vatican Pagkatapos ng kanyang pagsilip sa iba’t ibang tanawin, siya ay bumalik sa hotel at nakaramdam siya ng pagkapagod. Muli nyang sinulatan si Professor Blumentritt at ang sinulat niya ay patalinghaga “Ako ay napapagod na parang isang aso, pero para naman akong isang panginoon kung matulog.. ( I am tired as a dog, but I will sleep as a god) pagkatapos ng magandang lingong panunuluyan niya sa Roma, siya ay naghanda ng kanyang pagbabalik sa Pilipinas. At nakagawa na siya ng liham sa kanyang ama na ang nilalaman ay uuwi na siya sa bayang kinalakihan niya